Heart Evangelista Maypa Salbabida Outfit Sa Milan Fashion Week!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Muling dumalo ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa Milan Fashion Week 2023 gamit ang isang outfit na umani na piangkakaguluhan ngayon online.


Ang aktres at businesswoman na si Heart Evangelista, nitong nakalipas na mga taon, ay palaging present sa iba't-ibang fashion week. Ginugol niya ang karamihan sa kanyang oras sa Milan at Paris. 


Regular siya sa international fashion circuit at lahat ng mga kaganapang ito ay ibinahagi sa kanyang Instagram account na may mahigit 11 million followers.


Palagi din siyang present sa mga show tulad ng Dior, Louis Vuitton, Versace, at Gucci. Kamakailan lang, dumalo siya sa Moschino show ng Milan Fashion Week 2023.


Kapansin-pansin ang kanyang kasuotan at nakakuha ito ng atensyon ng maraming tao online. Siya ay literal na nakalutang in a fashionable way pa rin dahil sa kanyang outfit na binansagang 'salbabida' outfit.


Pumunta siya sa F/W 2023 presentation ni Moschino sa Milan Fashion Week na nakasuot ng nautical-themed striped midi frock.


Ang outfit ay may pa bilog na tila floatie sa bandang bewang na may mga  strings pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo