Gardo Verzosa Inatake Sa Puso, Misis Nito Humihingi Ng Panalangin mula sa netizens!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Jerome

 


Inatake sa puso si Gardo noong March 28, 2023, at kasalukuyan siyang nakaratay sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.


Kilalang maingat at maalaga sa pangangatawan ang aktor na si Gardo Verzosa pero ang nangyari sa kanya ay paalaala sa lahat na hindi rin makabubuti sa kalusugan ang sobrang pag-ehersisyo.


Ibinahagi ng asawa o maybahay ni Gardo Versoza na si Ivy Vicencio sa Philippine Entertainment Portal ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng kanyang asawang si Gardo Versoza.


Sad ni Ivy, "sa ngayon po nasa ICU pa po siya dahil nagkaroon po siya ng heart attack last March 28."


"May nakita po kasing dalawang ugat na barado at kailangan siyang sumailalim sa angioplasty agad."


"Pero dahil critical na po ang lagay niya, hindi po kayang isabay yung isang ugat. Kaya two to three months po ang next schedule ng angioplasty sa kanya,"


Kaya naman humingi siya ng panalangin upang tuloyan ng gumaling ang kanyang asawang si Gardo Versoza. 


Nagpapasalamat din siya sa lahat ng mga nagbigay ng mensahe at dasal. 


Saad niya, "Sa lahat po ng nagpapadala sa amin ng mga mensahe at dasal, maraming-maraming salamat po. Yan po ang pinakamagandang tulong na naibibigay ninyo sa amin. Yung mga dasal, walang katapat na halaga kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga concern sa naging sitwasyon ni Gardo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo