Episode Bar And Kitchen Ni Rendon Labador Pansamantalang Magsasara Matapos Ang Grand Opening!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Inanunsyo ng Motivational Speaker na si Rendon Labador na isasara niya ang kanyang restaurant at bar pagkatapos ng flop grand opening nito noong March 25, 2023.


Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Rendon Labador matapos mabigong magbenta ng ticket para sa grand opening ng Episode Bar + Kitchen.


Ayon sa kanya, nalugi siya ng P1.2-M sa nasabing event, dahil wala man lamang umanong bumili ng ticket dahil kay Coco Martin.


Dahil sa nangyari, nagpasya si Rendon Labador na pansamantalang isara ang kanyang restaurant para muling pagplanuhan ang kanyang business strategy.


Sinisi rin niya ang mga tagahanga ng FPJ’s Batang Quiapo leading actor na si Coco Martin sa pagkabigo ng kanyang negosyo.


Sinabi ni Labador na pansamantala lamang ang pagsasara ng kanyang restaurant at nangako siyang babalik ng mas malakas.


“Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE,” pahayag ni Rendon.


Kasalukuyan din naghahanap ngayon si Rendon ng mga investors para sa kanyang malakas na restaurant at bar.


Iniugnay ng mga netizens ang kabiguan ng negosyo ni Labador dahil sa mga batikos na ginawa nito laban kay Martin at iba pang kilalang personalidad.


May mga naghinala ring netizens din na talagang binalak ni Rendon Labador na mag-post tungkol sa mababang ticket sales ng kanyang restaurant para i-promote ang kanyang negosyo.


May mga naniniwala ring hindi pa talaga nagbubukas ang restaurant nito at gawa-gawa lamang umano nito ang lahat para mapag-usapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo