Dennis Padilla Muling Binati Si Julia Sa Kaarawan Nito Pero Deadma Lang Ang Anak!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakaligtaan ng aktor na si Dennis Padilla na batiin ang kanyang anak na si Julia Barretto sa kaarawan nito kamakailan lamang.


Ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang ginawang birthday card sa anak kalakip ang larawan nila noon sa kanyang Instagram feed.


“Dearest Juy,

Happy 26th birthday! Praying for more blessings! Hoping to see you soon! I love you! Papa,” mensahe ni Dennis sa kaarawan ng anak.


Subalit, kapansin-pansin sa comment section ng post ni Dennis ay hindi man lamang ito nakakuha ng tugon mula kay Julia o sa mga kapatid nito.


Nagpapatunay lamang ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila napapatawad ang ama.


Samantala, kaagad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Dennis.


Pinayuhan ng ilan ang aktor na huwag nang i-post pa sa social media ang mga mensahe ng anak upang hindi na siya mapahiya dahil sa pandededma ng mga ito.


Agad naman itong sinagot ng ilang fans ni Dennis at sinabing baka naka-block ang ama sa mga social media ng mga anak kaya kahit gustuhin man nitong mag DM ay hindi pa rin maari.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo