Dennis Padilla Ipinakita Sa Social Media Ang Larawan Nila Ni Julia 26 Years Ago!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


 Ipinakita ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account ang kuhang larawan nila ng anak na si Julia Barretto na 26 years na umanong nasa kanyang wallet.


Sa mismong araw ng kaarawan ngayon ni Julia, ibinahagi ni Dennis Padilla ang kuhang larawan nila noong maliit pa lamang ang anak.


Dagdag pa ni Dennis sa caption na 26 years and counting na nasa loob ng kanyang wallet ang nasabing larawan, indikasyon na patuloy niya itong ilalagay sa kanyang wallet.


Mababasa rin sa caption ang kahilingan ni Dennis na muling makita ang anak na si Julia.


"Dearest Juy... A picture in my wallet for 26 years and counting... Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you - Papa," caption ni Dennis sa kanyang Instagram post.


Tila hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang aktor na muling makakasundo ang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.


Matatandaan na inihayag ni Julia sa isang panayam noon para sa vlog ni Karen Davila na hindi pa siya handa na patawarin ang ama dahil labis umano siyang nasaktan nito.


Alam naman umano niya na darating rin ang araw na mapapatawad na niya ito ng lubos.


Samantala, kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Paris upang ipagdiwang ang kani-kanilang kaarawan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo