Cristy Fermin Muling Napatunayan Na Nasa Huli Talaga Ang Pagsisisi Sa Pag-Sorry Ngayon Ni Liza Soberano!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin si Manay Cristy Fermin hinggil sa paghingi ng paumanhin ng aktres na si Liza o Hope Soberano sa ABS-CBN, Ogie Diaz, Enrique Gil at sa mga fans nito.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, pinapatunayan lamang umano ni Liza na nasa huli talaga ang pagsisisi.


Ayon kay Cristy, ang pakikipaglaban sa iyong konsensya ay isa sa pinakamahirap na laban sa anumang sitwasyon.


"Nagbago na po ang tono ng dila ni Liza Soberano. Nanghihingi na po siya ng sorry at nagpapasalamat ngayon sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz, sa ABS-CBN, at sa Star Magic, at sa lahat po ng kanyang mga nakasama sa kanyang journey sa pagtatrabaho bilang artista." 


"Yan na nga ba ang sinasabi ko diba? Lagi na lang ganun, nasa huli ang pagsisisi. Kasi ang pinakamahirap na kalaban po natin, sa anumang giyera at digmaan, konsensya," saad ni Cristy Fermin.


Dagdag pa ni Cristy sa kanyang pagsisiwalat na nakausap niya si Ogie Diaz kamakailan at ang gusto lang ng huli ang makakabuti para kay Liza.


"Kanina ay ka-text ko si Ogie Diaz, ang sabi niya, 'Lagi ko pa rin siyang ipinagdarasal, Ate Cris. Gusto ko na lang isipin na siguro nga, may ibang plano para sa kanya ang mga bagong nag-aalaga sa kanya ngayon.'


 Yun na lang ang pinakamaganda, sabi ko kay Ogie, 'Forgive but remember names. Dapat alam mo yan para hindi na maulit pa,'" pagbabalik tanaw ni Cristy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo