Cristy Fermin, Binuking Si Priscilla Meirelles!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


Sa latest episode ng programa ni Cristy Fermin ibinunyag niya ang ginawang pagtawag sa kanya noon ni Priscilla Meirelles Estrada sa kanya hinggil sa isang blind item.


Isiniwalat ni Cristy Fermin na sinadyang tumawag ni Priscilla sa kanya upang itanong mismo kung ang asawa ba niyang si John Estrada ang tinutukoy niya.


“May kuwento po ako kung bakit sanay na ako sa ganito. One time, meron akong binlind item na isang male personality na madaliang nakarelasyon ang isang kasama sa serye. Alam mo bang tinawagan ako ni Priscilla?” pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin.


Kaya naman, hindi na umano bago kay Manay Cristy ang mga hugot ni Priscilla sa kanyang social media accounts.


Dahil rito masasabi umano ni Manay Cristy Fermin na napaka-sensitive ni Priscilla kung ang asawang si John Estrada na ang usapan.


“Ano siya talaga, yung parang napaka-sensitibo niya, parang ganun, parang lahat na lang si John.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo