Careless, Papansinin Kaya Si Liza Soberano Kung Hindi Ito Sikat?

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely

Naglabas ng isang mensahe si Cristy Fermin sa bagong management ngayon ni Liza Soberano, ang Careless Music.


Tila hindi napigil ng beteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang kanyang sarili at naglabas na ng saloobin hinggil sa ginagawa paninira umano ni Liza Soberano sa kanyang dating management.


"Bakit kailangan niyong pasamain yung dating manager ni Liza? E samantalang may naganap naman sa career ni Liza."


"Dahil kung walang naganap, hindi sumikat si Liza, hindi niyo siya kukunin para pakinabangan dito sa Careless management," prangkang pahayag ni Cristy Fermin.


"Ang ganda sana ng rebranding niya. Ang ganda sana ng paglipat niya, e hindi e. Baliktad ang nangyari. Siniraan ang ABS-CBN, siniraan ang Star Magic, ang Star Cinema at si Ogie Diaz," dagdag pa ni Cristy Fermin.


May mensahe pa si Manay sa mga ito na hindi umano nagkakatugma ang mga pinagsasabi.


"Tatatlong piraso kayo o apat o lima, kung ilan man kayo diyan sa Careless whisper niyo na 'yan, iilang piranggot kayo diyan hindi pa kayo nagkakausap. Ano bang nangyayari sa inyo? Bali-baliktad ang mga kwento niyo," mensahe ni Cristy Fermin sa Careless management ni Liza.


Hirit pa ni Manay Cristy Fermin na sana gawan nila ng paraan na magkaroon ng trabaho si Liza nang hindi sinisiraan ang dating management.


"Gawan niyo ng sarili niyong diskarte si Liza Soberano nang hindi niyo sinisira 'yung dating management."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo