Ashley Ortega, Nagsalita Na Sa Hiwalayan Nila Ni Mayor Mark Alcala!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita na ang actress na si Ashley Ortega sa isyung hiwalayan nila ni Mayor Mark Alcala.


Matatandaan na naging mainit na usapin na hiwalay na ang dalawa lalo pa't nalilink ngayon si Mark sa isang volleyball player na si Mika Reyes.


Samantala, sa panayam ni Boy Abunda kay Ashley sa guesting nito sa kanyang programang Fast Talk, tinuldukan na ni Ashley ang isyu at kinumpirma ang kanilang hiwalayan noon pang 2021.


“Ayaw naming ipilit sa isa’t isa kung alam naming na it won’t work,” saad ni Ashley.


Inilahad naman ni Ashley na ang pagiging busy nila sa kani-kanilang mga career ang naging dahilan sa kanilang paghihiwalay.


“He was in the province. He’s the newly-elected mayor. I was busy with work. Katatapos ko lang ng Widow’s Web ‘nun and I started training for Hearts On Ice sa skating so medyo nawala ang connection and communication,” wika pa ng aktres.


Inamin din ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Mark at hindi niya alam kung magkaibigan pa ba sila hanggang ngayon.


Gayunpaman, wala siyang masasabing masama laban sa kanyang ex-boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo