‘Anak’ Ni Julia Montes, Malaki Na?

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa Twitter ang “anak” ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa teleseryeng “Doble Kara” sa ABS-CBN noong 2015, na si Krystal Mejes.


Marami ang namangha ng makita ngayon si Krystal dahil malaki na ito ngayon at sobrang ganda na nito. Hiling pa ng mga netizens na sana'y hindi pababayaan ng Star Magic at ABS-CBN ang magaling na batang ito.


Matatandaan na gumanap si Krystal bilang “Rebecca o Becca” na anak ng isa sa mga kambal na karakter ni Julia sa naturang afternoon series.


“Nakakaloka kamukha ni Julia Montes.”


“Ganda ng bata na ‘yan, nakalimutan ko yung show tanda ko na bida ay si Mikmik.”


“Magaling din ito sa aktingan. I hope di pabayaan ng ABS-CBN.”


Ang Double Kara ay isang 2015 Philippine melodrama television series na idinirek ni Emmanuel Q. Palo, Trina N. Dayrit, at Jojo A. Saguin. 


Kasama rin dito sina Carmina Villarroel, Mylene Dizon, Ariel Rivera, Allen Dizon, Sam Milby, Alicia Alonzo, Maxene Magalona, ​​Edgar Allan Guzman, at John Lapus sa kani-kanilang papel.


Ang serye ay pinalabas sa Kapamilya Gold afternoon block ng ABS-CBN at nationwide sa pamamagitan ng The Filipino Channel mula Agosto 24, 2015, hanggang Pebrero 10, 2017.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo