AJ Raval Proud Na Ibinahagi Ang Pagpapatanggal Ng Kanyang Breast Implants!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Tila nagkaroon na ng life changing decision ang aktres na si AJ Raval nang ibahagi niya sa publiko ang pagpapatanggal niya sa kanyang breast implants.


Nito lamang ibinahagi ni AJ Raval sa Instagram ang kanyang larawan habang nakahawak sa dalawang implants.


Nakasuot din siya ng puting masikip na tube top, na nagpakita at naging halata ng malaking pagbawas sa size ng kanyang dibdib.


Matatandaan na noong virtual media conference ng kanyang 2021 movie, "Crush Kong Curly," inamin ni Shea na nagkaroon siya ng implants at ibinunyag din ang kanyang intensyon na tanggalin ang mga ito dahil hindi na siya komportable.


Samantala, agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ng aktres.


May mga nagsasabing mabuting desisyon ang kanyang pagpapatanggal ng implants dahil may side effects din ang mga ito habang tumatagal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo