Yen Santos Nagbabalik Alindog Na! Takot daw Mapalitan?

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media platform partikular na sa Tiktok ang video kung saan makikitang nagwo-work out ang aktres na si Yen Santos.

Bagama't walang make up mababanaag pa rin ang nakakabighani na ganda ni Yen.

Ang  nasabing video ay ibinahagi mismo ni Coach Flex, isang sikat na fitness trainer.

"Workout with Yen Santos," caption pa nito sa nasabing video ni Yen.

Samantala sa comment section ng nasabing post makikita na marami ang humanga sa taglay na ganda at alindog ni Yen. Subalit, marami pa rin ang nag-uugnay sa pagwowork out ni Yen sa isyu nito kay Paolo Contis.

Ayon sa ibang basher na todo work out si Yen upang hindi palitan ng aktor. May ilan pang nanghihinayang sa ganda at alindog nito na nasayang lamang umano dahil kay Paolo Contis.

"hinayang na hinayang ako dto.. πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯Ί ganda , mabait, talented kasooooooo πŸ˜‘πŸ˜‘πŸ˜‘ hayyy"

"#workoutparadiiwan"

Samantala, may ilan namang nagtanggol sa aktres at sinabing malaki na ito at kaya na niyang tanggapin ang anumang mangyayari sa kanya sa hinaharap.

@coach_flex Workout with Yen Santos #fitness #bodybuilding #coachflex #alagangflex #tiktokphilippines #tiktoksportsph #trending #viral #celebritycoach #workoutwithme ♬ original sound - COACH FLEX ™

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo