Willie Revillame Binuking Ang Irresponsableng Gawi Ni Gab Valenciano Sa Set!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


TV-host na si Willie Revillame may pasabog na rebelasyon sa working attitude ni Gab Valenciano noong nagkasama sila sa iisang proyekto.

Matatandaan na nagbahagi ng isang cryptic post si Gab Valenciano na bagama't hindi niya tahasang binanggit kung sino ang kanyang pinapatungkulan ay tila alam na ng lahat na si Willie Revillame talaga ang kanyang pinapatungkulan.

"Your power to persuade people through gaslighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too."



Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang TV-host na si Willie Revillame at kaagad na binanatan si Gab. Inilabas din ni Willie ang baho ni Gab noong nagkasama sila sa isang project at kung ano umano ang totoong pinaggagawa nito sa set.

“'Yung isa, nag-Ingles-Ingles ka pa! Naging kasama ka namin sa production. Kapag pumapasok ka, di ba natutulog ka? Papasok ka sa dressing room ko, ‘Kuya Wils, I cannot do this. You know, I feel so dizzy.’ May mga ganoon-ganoon ka pa sa akin," pagsisiwalat ni Kuya Will.

Isiniwalat pa ni Willie ang mga kabutihang nagawa niya kay Gab noong ikinasal ito sa Tagaytay. Sa dami ng kanyang naitulong sa pamilya ng aktor ay tila hindi lubos niyang akalain na magagawang magkomento nito sa kinakaharap ng network na kanyang kinabibilangan. Lalo pa't malapit umano ang pamilya nito sa Diyos.

“Baka nakakalimutan mo, ikinasal ka sa Tagaytay? Sa akin natulog ang nanay at tatay mo, sa bahay ko sa Tagaytay. Ang galing-galing mong sumayaw, malapit ka sa Diyos, ang pamilya mo. Nagko-comment ka ngayon. O ano, baka nakalimutan mo, kinupkop ko kayo noong kakasalin ka sa Tagaytay? Napahiwalay ka. Doon natulog sa akin ang tatay at nanay mo," pagbabalik-tanaw ni Willie.

Sa bandang huli nilinaw pa ni Willie na hindi naman niya sinusumbatan si Gab, ipinaalam lamang umano niya sa lahat ang kabutihan kanyang ginawa para sa aktor. Hiling pa niya na sana ay tumingind din si Gab sa kanyang pinanggalingan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo