Whamos Cruz at Antonette Gail, Engaged Na!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Jerome


Engaged na ang magkasintahang Antonette Gail at Whamos Cruz, at masaya nila itong ipinaalam sa kanilang mga followers. 

Sa pagdiriwang mismo ng araw ng mga puso kahapon February 14,2023 ay nag propose na nga ang vlogger na si Whamos Cruz sa kanyang kasintahang si Antonette Gail at agad din naman itong sinagot ni Antonette na Oo. 

Samantala una namang ipinost ni Antonette ang masayang balitang ito sa kanyang social media account, ng ibinahagi niya kahapon ang mga larawan na kuha sa naganap na proposal. Caption naman niya sa kanyang post  "ITS A YES!

💍💖
Thought we were just sleeping now ðŸĪĢ
Happy Valentines Day EveryoneðŸŒŧ💛
Perfect for Valentine's Day heheðŸĪŠ"

Kasunod naman dito ay ipinost naman ni Whamos ang video ng kanyang paghahanda habang excited daw siya at kinakabahan sa kanyang gagawing mga pakulo o surpresa para sa kasintahang nitong si Antonette Gail. bago ang mismong proposal.

Ayon naman kay Whamos ay matagal na daw na gusto niyang pakasalan ang kanyang kasintahan at hindi din daw siya nag dalawang isip tungkol dito. Apat na araw din daw niyang pinagplanuhan ang gagawin na proposal at wala din daw ka alam-alam si Antonette sa mga mangyayari.

Pero bago pa daw mangyari ang proposal ay tinawagan daw muna ni Whamos ang mommy ni Antonette para ipaalam ang gagawin na proposal agad naman daw na gumaan ang pakiramdam ng vlogger ng sumang ayon at sinabi ng mommy ni Antonette na naka suporta siya sa kanilang dalawa.

Samantala ng sinimulan na ni Whamos ang kanyang pakulo ay binigyan muna niya ng ilang mga chocolate at bulaklak ang kasintahan bilang kunwaring simpleng regalo niya sa pagdiriwang ng araw ng mga puso.

At ang sumunod na nga ay ang actual na pagluhod ni Whamos sa likod ni Antonette at ipinatanggal na ang naka blindfold kay Antonette at nagsimula na ding magtanong si Whamos at hindi naman mapigilan na maging emosyonal si Antonette sa ginawang surpresa ng boyfriend at agad din naman siyang sumagot na oo.

Samantala na banggit naman ng magkasintahan na bagama't wala pa daw silang plano sa kanilang kasal ay matagal na daw nilang napag- uusapan ang beach wedding dahil ito daw ang gusto ni Antonette.

Matapos ang video na ito ay agad din naman itong umani ng mga pagbati para sa magkasintahang Whamos at Antonette Gail.

https://fb.watch/iIyQpCUs4T/


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo