Toni Gonzaga Dismayado Kay Coco Martin! K Brosas Sising-Sising Nagpa Interview Sa Kanya!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Mainit na usap-usapan pa rin ngayon sa social media ang pagtanggi umano ng Batang Quiapo actor at director na si Coco Martin sa paanyaya ni Toni Gonzaga na isang interview.


Hindi lamang umano si Coco Martin ang tumanggi, kundi maging ang kampo rin ng aktres na si Miles Ocampo na kasabay ring inimbitahan ni Toni Gonzaga ng isang panayam sa Toni Talks.


Muling naging maingay ang mga pangalan nina Coco Martin at Miles Ocampo sa kasisimula pa lamang na teleserye na Batang Quiapo sa ABS-CBN.


Sa Youtube channel ng kilalang showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya ang naging pagtanggi ng dalawa sa imbitasyon ni Toni Gonzaga.


Kaya naman labis umano ang pagkadismaya ngayon ni Toni Gonzaga sa pang-iisnub nina Coco Martin at Miles Ocampo. 


Tila hindi man lang umano kinunsidera ng mga ito ang kanilang mga pinagsamahan habang nasa ABS-CBN pa siya noon.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na hindi na kagulat-gulat ang pang-iisnub ng dalawa kay Toni Gonzaga at sadyang makapal lamang umano ang mukha ng host.


Hindi na umano ito nahiya na interviewhin ang dalawa dahil alam naman na hindi talaga nagustuhan ng mga ito ang pagsuporta niya kay Presidente Bongbong Marcos at sa ilang mga kongresista na hindi bumoto na muling bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo