Toni Fowler Ibinahagi Ang Pag-alis sa Toro De Palacio!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng vlogger na si Toni Fowler Fowler na pansamantala muna silang aalis sa Toro De Palacio at lumipat muna sa isang condo na mas malapit sa kanyang trabaho ngayon.


Agad namang ibinahagi ni Toni Fowler sa kanyang mga tagahanga ang nilipatan nilang condo. Ipinakita pa niya kung paano nila pagkasyahin ang lugar para sa kanilang bilang.


Ayon pa kay Toni, may hinihintay silang isang unit para naman sa iba pa nilang kasamahan.


Matatandaan na unang ibinahagi ni Toni na kailangan muna niyang lumipat sa isang lugar na malapit sa kanyang trabaho ngayon.


Si Toni Fowler ay kabilang sa mga vlogger at influencers na kinuha ni Coco Martin para sa kanyang teleseryeng Ang Batang Quiapo sa ABS-CBN.


Ginagampanan ni Toni ang papel ni Chikey na isang kaibigan ni Lovi Poe.


Kamakailan ay nalagay sa hot seat si Toni Fowler at ilang myembro ng Toro Family matapos ang inilabas nilang malaswang music video na ikinainis ng maraming netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo