Sen. Imee Marcos Nadulas & Nagkasagutan Sila Ni Direk Darryl Sa Comment Sec./ Issue Ng Derector'S Cut!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Mainit na usap-usapan ngayon  sa social media ang himutok ng kontrobersyal na direktor na si Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account hinggil sa director's cut na gagawin sa kanyang pelikulang Martyr or Murderer ng Viva Films na primary producer ng kanyang pelikula.

Tila dismayado si Darryl Yap sa Viva Films dahil may pinapatanggal daw na sequence sa pelikula bagay na hindi niya nagustuhan.

Pinagdidiinan pa ni Darryl Yap, nakasalig sa mga ebidensya at sources ang naturang detalye kaya halos dalawang oras daw siyang nakipagtalo sa pamunuan ng production company upang huwag tanggalin ito.

"I am about to give up.

Kung ipipilit ng Viva na tanggalin itong sequence na ipinaglalaban ko na ng 2 oras;

tanggalin na rin nila ako. 

wag nyo na ipalabas kung di kasama.

kapagod. tang ina.

gusto ko lang magkwento, may ebidensya, 

may source, may basis! 

I DON’T WANT A DIRECTOR’S CUT.

MARCH 1 must contain the ONLY CUT. 

GOD!  "

 Samantala, hindi naman tinukoy ni Darryl Yap kung anong eksena ang ipinapatanggal ng Viva Films. Subalit, tila nadulas si Sen. Imee Marcos sa pagbibigay komento sa post ni Darryl Yap.

Naitanong ni Sen. Imee Marcos kung ang eksena ba sa Tarlac ang nais ipatanggal ng Viva Films. Sinagot naman kaagad ito ng director at tila pinaalala sa Senadora na hindi chat box ang comment section.

Maging ang ilang mga kilalang kakampink ay napakomento rin sa post ni Direk Darryl Yap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo