Ogie Diaz Nagsalita Na

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Jerome

 

Binanatan na ni Ogie Diaz si Willie Revillame sabi niya, "sana happy siya sa kanyang panunumbat" 

Matapos nga na ayusin ng TV host na si Willie Revillame ang mga naging hindi pagkakaintindihan nila ni Cristy Fermin ay bumanat na naman itong si Ogie Diaz at binanatan ang host.

Ipinahayag naman ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin sa kanyang post pa tungkol sa pagtanaw ng utang na loob sabi niya. "Sana pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya, nabunutan na siya ng tinik. Yung wala siyang pinagsisisihan, at pinaninindigan niya kasi para sa kanya kailangan na niyang manumbat."

Dagdag pa niya "In short na, na sana happy siya sa kanyang ginawa, at naka ginhawa sa kanyang mental health." 

Pinayuhan din umano ng talent manager ang mga taong nabigyan ng tulong ni Willie na maging mabait dahil baka maka tikim daw din sila ng sumbat. "Sino pa ang pa nabigyan ng tulong niya? Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo ha, may baon ang lolo niyo against you pagnangyari iyon. At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw niyong masumbatan balang araw."

Kwento pa na Ogie na nabigyan daw siya ng 50K noon ni Willie, kahit na daw nahihiya siya,ay tinanggap niya padin daw iyon. Ngunit ibinigay naman daw niya iyon bilang donasyon para sa mga may kanser na pasyente.

Kung siya naman daw ang tatanungin kung may isusumbat siya kay Willie ay hindi daw niya ilalahad dahil hindi daw niya ito ugaling gawin ang manumbat.  


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo