Ogie Diaz, Ipinost Ang Tanong Ni Cristy Fermin Kay Willie Revillame!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely

Naglabas ng panibagong pahayag si Ogie Diaz sa kanyang IG Stories at ipinost ang tanong ng batikang columnist na si Cristy Fermin sa host ng Wowowin na si Willie Revillame.

"Crisy Fermin to Kuya Wil...'Nang dahil lang sa isang daga, susunugin mo ang buong bahay?'" was the post of Mama Ogs. 



Matatandaang tinawag ni Nay Cristy ang pansin ni Willie Revillame dahil sa kanyang reaksyon sa mga batikos na ibinato sa kanya nang mapabilang ang kanyang programa sa mga sinuspinde ng AllTV.

Samantala, sa latest episode ng Wowowin, ipinahayag ni Willie Revillame na humingi na siya ng tawad kay Cristy Fermin na itinuring na niyang ina sa showbiz.

"Nagkausap kami ni Tita Cristy kanina, nagsigawan kami. Nagmurahan kami. Parang mag-ina na nagtatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niyang nasaktan. Kung anuman 'yung nasabi ko ho, e, hindi naman 'yon pagsusumbat," pahayag ni Willie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo