Nora Aunor Nawalan Nang Buhay Sa Loob ng Tatlong Minuto Noong Nahospital!

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Lovely


Ang beteranang aktres naman na si Nora Aunor ang naging guest sa programa ni Boy Abunda sa GMA7, na Fast Talk with Boy Abunda.


Nitong Lunes, February 20, 2023 naitanong ni Tito Boy kay Nora Aunor kung sa anong parte ng kanyang buhay masasabi niyang totoo ang himala.


Isiniwalat naman ng beteranang aktres na noong nakaraang taon lang, himalang nabuhay siya matapos umanong mamatay ng tatlong minuto.


"Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, kasi, namatay na ako nang three minutes e. Itong mga nakaraan lang, ewan ko, ngayon ko lang sasabihin ito," pag-amin ng aktres.


Hindi naman niya ipinagdamot ang detalye ng nasabing insidente.


“Kasi ang nangyari noon, 'di ba noong nagkakasakit ako, lalabas ako ng gabi, madaling araw dadalhin na naman ako sa ospital.”


“So may insidente na sabi ko, 'Halika na, kasi bumababa na ang oxygen sa katawan ko.' So takbo na naman sa ospital. Sa ospital, sabi ko, 'Oxygen lang po ang kailangan ko.' Ang nangyari, hindi ko alam, walang tumulong sa akin."


"Hindi minadali na lagyan ako ng oxygen. Ang nangyari, humiga ako. Pagkahiga ko hindi ko na alam kung ano ang nangyari. So pagkagising ko, nandoon na ako sa ICU.”


Ayon kay Ate Guy, sinabi sa kanya ng staff ng ospital na tatlong minuto siyang patay bago siya na-revive.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo