Nawalang Mamahalin Na Cellphone Ni Mommy Pinty Isinauli ng isang Grab Driver!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Labis ang pasasalamat ni Mommy Pinty nang isauli sa kanya ng isang Grab Driver ang kanyang cellphone na nawala.


Ayon kay Mommy Pinty nawala ang kanyang cellphone habang namamasyal sila sa Luneta Park.


“Thank you Paul Hicom grab express rider for returning my lost fone in Luneta Manila. Godbless you more and more. Isa kang magandang ehemplo sa amin lahat! Mabuhay ka,” pahayag ni Mommy Pinty sa isang post.


Talagang bumyahe pa umano ang nasabing Grab Driver mula Manila hanggang Taytay, Rizal upang isauli ang napulot na cellphone ni Mommy Pinty.


Sa comment section ng nasabing post ni Mommy Pinty, mababasa ang papuri ng mga netizens sa pagiging honest ni Paul Hicom na nagpapatunay umanong may mabuting puso pa rin ang ilan nating kababayang Pilipino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo