‘Mystery guy’ bibiyahe ng 13 hours para sa birthday ni Kris; wish na manirahan malapit sa beach natupad na

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Sparkle

 



MATAGAL nang pinangarap ng nag-iisang Reyna ng Social Media na si Kris Aquino na magkaroon ng bahay sa tabi ng dalampasigan ngunit hindi pa rin niya ito nakakamit dahil nagkasakit na siya.


Ngunit sinubukan niyang tumira sa isang resort malapit sa beach sa Puerto Galera, Mindoro kung saan inabot sila ng C0VID-19 lockdown noong Marso, 2020 kasama ang kanilang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.


Hindi na ito naulit dahil may sakit si Kris pero matutupad itong 2023 wish dahil magse-celebrate siya ng kanyang kaarawan ngayong February 14 sa isang bahay malapit sa dagat.


Base sa Instagram post ni Kris nitong Lunes ng gabi, nakaguhit ang eroplano sa mga katagang “Distance is just a test to see how far love can travel.”


Ang caption ng birthday girl, “We found a temporary home on Zillow that was also listed on AirBnB, available for a monthly lease… dream come true for me because name the beach development back in the (Philippine flag).


“Nag viewing na kami…this home is in an excellent location, with fresh sea air and a nicely furnished patio with a beautiful view of the sea…hindi pa po ito ‘yung permanent base namin because medyo malayo from the hospitals where my doctors are. Plus no area for me to isolate once my 1st cycle of treatment starts before the end of February.



“But after months of searching finally may nahanap, just in time for my birthday… we are 14 hours behind (Philippine flag) time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.


“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the (US flag)… but you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort I am GRATEFUL…


“I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, I am still blessed…IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…


“Sa dami n’yong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.


“To all, a #lovelovelove day ahead of you, from the very thankful soon to be 52 year old birthday girl.”


Hmmm, sino kaya ang tinutukoy ni Kris na "determined man" na magbibiyahe ng 13 oras para makasama siya sa kanyang kaarawan?


Trending ang post na ito ni Kris dahil makalipas lamang ang dalawang oras ay umabot na sa 1,122 positive comments at 15,400 likes at hearts.


Happy birthday Kris! Get well soon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo