Kahit May Sakit Kris Aquino Lumalablayp Pa Rin!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely

Tila nagpahiwatig ang Queen of all Media na si Kris Aquino na may isang misteryosong lalaki na handang lumipad ng 13 oras para makasama siya sa kanyang kaarawan.

Kahit papaano ay naging active na naman si Kris sa social media habang patuloy na ginagawa ang kanyang treatment para sa kanyang rare medical condition. Siya at ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby ay kasalukuyang naninirahan sa Orange County California.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng actress-host na gusto niya ang tinutuluyan nila ngayon dahil malapit ito sa dagat. Isa itong Airbnb na maaaring rentahan for a month.

 “This home is in an excellent location, with fresh sea air and a nicely furnished patio with a beautiful view of the sea,” pagbabahagi ni Kris Aquino.

Subalit sinabi ni Kris na hindi ito ang kanilang permanenteng tirahan dahil malayo ang lugar sa ospital kung nasaan ang kanyang mga doktor. Ibinahagi rin ni Kris na wala itong lugar para sa kanyang isolation kapag nagsimula na ang kanyang treatment.

Samantala, nagpahiwatig naman si Kris Aquino na may isang lalaki na handang magtravel ng 13 hours makasama lamang siya sa kanyang kaarawan.

"You need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort I am GRATEFUL…”

Hindi naman pinangalanan ng Queen of All Media kung sino ang lalaki na kanyang tinutukoy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo