Kabanda ng Parokya Ni Edgar Na Si Gab Chee Kee, Nasa-ICU Pa Rin!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng panibagong update ang Parokya ni Edgar tungkol sa lagay ng kanilang kabanda na si Gabriel "Gab" Chee Kee. Ayon dito na kasalukuyan pa rin itong nasa ICU mula nang siya'y ma-confine sa ospital noon pang Enero 2023.

Gayunpaman, ayon sa kanila ay kasalukuyan nang bumubuti ang lagay nito ngayon subalit tuloy pa rin ang gamutan.

"Hi all, we just came from visiting Gab this Valentine’s Day. He’s still at the ICU but steadily improving. Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery," post update ng Parokya.

Handa naman umano sa ganitong uri ng gamutan si Gab at kanyang pamilya subalit dala ng komplikasyon, nagkaroon ng pneumonia si Gab dahilan para malagak ito sa ICU.

Matatandaan na ilan ding charity gigs ang ginawa ng Parokya Ni Edgar upang makatulong na rin sa isa nilang kasamahan na labis na nangangailan ng tulong pinansyal upang matustusan ang pagpapagamot.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo