Joaquin Domagoso Nilinaw ang Desisyon Kung Bakit Hindi pa Pinapakasalan Si Raffa!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Muling iginiit ni Joaquin Domagoso na hindi niya kailanman itinago noon na magiging ama na siya bago pa man isilang ng kanyang girlfriend na si Raffa Castro ang kanilang anak.

Matatandaan na dalawang buwan pagkatapos isilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott ay saka lamang lumabas ang balitang isa nang ama ang panganay na anak ni former Manila Mayor Isko Moreno.

Sa panayam kay Joaquin Domagoso nitong February 8, sa Fast Talk with Boy Abunda, muli niyang iginiit na kailanman ay hindi niya itinatago ang pagiging ama.

Inamin din niya kay Tito Boy na totoong natuwa siya nang malaman ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend. Gayunpaman, inamin niyang napaiyak siya sa bigat ng pressure at sa responsibilidad na kanyang kakaharapin.

"Pero yung pressure na papunta na ako, as in nandun na talaga, it only realized to me, like, eight months or nine months. Grabe, the responsibilities… talagang iiyak na ako. Natakot po ako kasi I’m so young and ano mabibigay ko sa anak ko at this age, and ano mangyayari sa career if…" pagtatapat niya.

Kabaliktaran naman umano ang naging reaksyon ng kanyang ama dahil napasayaw pa ito sa tuwa ng malamang magiging isang ganap na lolo na ito.

Sa pagpapakasal naman isang consensual decision umano nila na hindi na muna magpakasal dahil sa makabagong generation nila ngayon na hindi na uso ang pagpapakasal nang dahil lang sa pagkakaroon ng anak.

“Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo. You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e," pagpapaliwanag ni Joaquin.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Joaquin na mahal niya si Raffa subalit pinaghahandaan niya lamang ang pagpapakasal at ang responsibilidad ng pagpapakasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo