Isko Moreno, Tinanggap Agad Ang Marcos Movie Nina Darryl at Imee Kahit Talunan Kay PBBM!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Kaagad na tinanggap ng dating Manila Mayor na si Isko Moreno nang i-offer sa kanya nina Direk Darryl Yap at Sen. Imee Marcos ang role bilang Ninoy Aquino sa MoM.


Ito'y sa kabila ng kanyang pagkatalo kay President Bongbong Marcos Jr. noong nagdaang eleksyon sa pinakamataas na posisyon ng bansa.


Ayon kay Isko Moreno, agad siyang umoo sa nasabing proyekto dahil bukod sa talagang gusto niyang umarte muli ay itinuturing niyang malaking karangalan ang mapabilang sa pelikula ng Viva Films at ni Darryl Yap.


“Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored. It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience."


“May mga nakakaintrigang portion sa MoM na dapat panoorin, kaya yun ang dapat nilang abangan,” pahayag pa ni Yorme.


Aminado naman si Sen. Imee Marcos na nagulat siya sa madaliang pagpayag  ni Isko Moreno sa kanilang inoffer na role bilang Ninoy.


“Good thing coming from the senator kasi wala akong ampalaya sa buhay. In a competition, may nananalo, may natatalo. It just so happen na ako yung natalo, and that’s it,” sagot ni Isko.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo