Isiniwalat Na Ni Pia Wurtzbach Ang Dahilan Kaya Hindi Na Siya Tutuloy Sa Pagtakbo!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang dahilan kaya pinili niyang huwag nang ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo sa London Marathon.


Matatandaan na kinompleto ng Filipina actress, model at beauty queen Pia Wurtzbach ang 42-kilometer New York City Marathon nitong nagdaanag taong 2022. Ayon pa sa kanya na ito ang “greatest run of her life”.


Matatandaan rin na all out ang pagsuporta ng soon to be husband ni Pia na si Jeremy Jauncey sa pagtakbo ng dalaga sa kauna-unahang marathon sa kanyang buhay.


Subalit, kailangan umanong kanselahin ni Pia ang pagsali sa London Marathong ngayong taon dahil sa paghahanda ng nalalapit na kasal nila ni Jeremy.


Alam umano niya na mahirap pagsabayin ang paghahanda sa kasal at paghahanda sa marathon.


“I’m grateful to have this time OFF…alam ko mahirap because lahat tayo (I know it’s hard because) we can’t get off work just like that,” saad ni Pia. 


Dagdag pa niya, “So I’m here now…focusing on my health, getting in touch with family—namiss ko talaga (I really missed) not just to spend time with them but actually do life with them. I also want to focus on a major life event, as you know, I’m getting married soon!”


“And this also means I had to defer some plans. Unfortunately, I’m not going to be able to join the London Marathon this year.”


Samantala, hiling ni Pia sa kanyang mga fans na bagama't hindi siya makakatakbo sa London Marathon ngayong taon ay sana'y suportahan naman ng mga ito ang kanyang mga kaibigan na patuloy ang pagtakbo sa nasabing marathon.


Narito ang buong post ng aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo