Hala! Coco Martin Sinugod Si Robin Padilla Dahil Sa Muslim Issue Ng Batang Quiapo

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Jerome

 

Actor-Director Coco Martin sumugod sa opisina ni Senator Robin Padilla dahil sa kontrobersyal issue ng mga Muslim sa isang eksena sa serye ng FPJ's Batang Quiapo. 

Trending sa social media ang isa sa mga eksena sa episode ng Batang Quiapo, tinutukoy dito ang eksenang hinablot ni Coco Martin ang alahas ng isang babae at hinabol siya ng mga pulis hanggang sa napadpad ito sa bahay ng kaibigan niyang Muslim, at makikita naman sa nasabing episode na armado ang mga Muslim na tila handang labanan ang mga pulis. Gayunman hindi na tumuloy ang mga pulis dahil mahirap daw pasukin ang lugar na iyon. 

Nang magkausap na ang mga Muslim at ang character ni Coco Martin na si Tanggol ay sinabi ng mga Muslim na ligtas daw siya dito at hindi rin daw nila siya pababayaan. Dito na nga umalma ang ilang  mga kapatid nating na muslim. Dahil sa eksenang ito at sinabi nila na hindi daw nila kinukonsenti ang pagnanakaw, at tila pinapalabas na masama ang imahe ng Muslim at kunta din ito sa batas. 

Samantala naglabas naman ng opisyal na pahayag ang production ng FPJ's Batang Quiapo na naglalaman ng paumanhin sa Muslim community, dahil sa naturang eksena na ipinalabas noong Martes February 14.. 

Pahayag ng Batang Quiapo, "Nais naming humingi ng taos pusong paumanhin sa mga manonood lalo na sa mga miyembro ng muslim community na nasaktan sa isang eksena ng FPJ's Batang Quiapo na umere noong Pebrero 14." 

Nauunawaan namin ang mga nagpahayag ng opinyon at damdamin tungkol dito atsinisiguro naming walang masamang intensyon ang programa na diskriminahin, saktan o ilarawan ang ating mga kababayang muslim sa negatibong paraan." 


 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo