Finally Lyka Alburo at Ryan Ng Viral Pinoy Henyo Nagsalita Na Hinggil Sa Isyung Pandaraya

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Jerome

 



Mga inakusahang nandaya sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga na sina Lyka Alburo at Ryan nagsalita umano, tuwiran nilang itinanggi ang mga akusasyon ng mga netizen na hindi daw sila nandaya.


Dahil nga viral pa rin sa social media ay pinuntahan na ng Team Kapuso Mo Jessica Soho ang kinaroruonan nina Lyka at Ryan upang hingiin ang kanilang paliwang sa nasabing issue ng pandaraya. 


Maging ang mga Eat Bulaga host ay nagparinig ukol dito at tila kumbinsido na ang mga ito ay hindi naging patas sa laro.


Ngunit sa panayam nila kay Jessica Soho ay nanindigan ang dalawa na hindi daw umano sila nandaya sa laro at hindi daw nila sinasadya na maibulong ang salitang iyon dahil sa ramdam nilang tensyon sa paglalaro.


Samantala ayon kay Ryan naman ay sa kagustuhan daw niyang mabanggit ni Lyka ang nasa isip niya ay na ibulalas niya daw umano ito ng pa bulong. 


Sa katunayan nga daw ay noong mapanood daw niya ang na sabing viral video nila ay maging siya daw ay nagulat.


Samantala si Lyka Alburo naman ay ganun din ang paliwanag, pero ayon sa mga netizens ay mukhang hindi daw umano ito apektado sa mga pambabatikos ng mga netizen.


Tila hindi raw umano totoo ang mga sinabi ng kanyang kapatid at kaibigan na siya ay depress at hindi na kumakain, dahil sa mismong panayam daw ay malakas daw umano ang personalidad ni Lyka.


Sa katunayan nga daw ay ikwenento pa daw nito na noong mga panahong viral na viral pa at mainit pa talagang pinag-uusapan sa social media ay pumapasok pa daw ito sa paaralan, ang ginagawa nalang daw niya ay dedma nalang sa mga bulong-bulongan tungkol sa kanya.


Saad ni Lyka, "Hindi ko po intensyon na sabihin yung word na stomach. Dala lang po ng emosyon ng intent sa sarili kaya ganoon po nangyari." 


Dagdag pa niya, "Pasensya na po kung sa tingin niyo na may pandadaya na naganap, pero hindi ko po intensyon na mandaya, iniisip ko nalang mas kilala ko po ang sarili ko, kesa opinyon ng mga yon."


"Kasi kahit ano naman po ang gawin, hinuhusgahan parin naman po tayo."


 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo