Direk Darryl Yap Tahasang Tinawag Na Sinungaling Si Cherry Pie Picache at Direk Joel Lamangan!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Sa nalalapit na showing date ng pangalawang pelikula ni Direk Darryl Yap na Martyr or Murderer, samu't-saring intriga na ang hinaharap nito ngayon.


Maging si Cherry Pie ay nakisali rin sa pang iintriga sa controversial Director.


Kamakailan lamang ay tahasang tinawag ni Darryl Yap na matandang sinungaling ang isa pang direktor na si Joel Lamangan at si Cherry Pie Picache.


Tila hindi na nakapagtimpi si Direk Darryl Yap sa naganap na Grand Media conference ng pelikulang Martyr or Murderer. 


Nagbigay na siya ng reaksyon sa mga naging banat sa kanya nina Joel Lamangan at Cherry Pie Picache sa naganap ding media con ng Oras de Peligro ilang araw ang nakakalipas.


Diretsahang ipinahayag ni Joel Lamangan na sinadyang sabayan ng Martyr or Murderer ang kanilang pelikula na magbubukas sa darating na March 1, 2023.


"Sila ang tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin napaka-importante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan at takot sila," mariing pahayag noon ni Lamangan.


Matatandaan na binato rin ni Cherry Pie ng maaanghang na pahayag si Darryl Yap at tinanong pa ito kung may konsensya pa bang natitira sa kanyang sarili.


Mariing sinabi rin ni Cherry Pie na kailanman ay hindi siya magpapadirek kay Darryl Yap.


Kaya naman, sinagot na itong lahat ni Direk Darryl Yap sa pamamagitan ng isang Ultimate Statement.


Ayon kay Direk Darryl Yap, kailanman ay hindi siya pumapayag na sipa-sipain na lamang.


"Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa iyo ikaw ang tumapat sa amin. Kung hindi makaya ng ego mo na isang katulad ko lang ang katapat mo. Problema mo na 'yun."


Nagbigay din siya ng maanghang na mensahe para sa beteranang aktres na si Cherry Pie Picache. 


Naglabas din siya ng payo na dapat makipag-meeting ito sa kanyang mga kasamahan sa tamang pagpromote ng pelikula.


Kung saan hindi sila maninira ng taong wala namang kinalaman sa kanila. Ipinunto pa ng direktor na ang perang kinita sa kanyang pelikula ay mula sa pinaghirapan niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo