Deanna Wong at Pauline Gaston Muling Nagkita at Halatang Na Miss Ang Isat-Isa!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Jerome

 

Deanna Wong at Pauline Gaston nagtrending ngayon sa social media matapos silang magkita at mahigpit na nagyakap. 

Marami naman sa mga fans nila Deanna Wong at Pauline Gaston ang di mapigilang maging emosyonal matapos na magviral ang video nilang dalawa na kung saan makikita si Deanna Wong na parang may hinahanap at tinawag ito, at mabilis namang lumapit itong si Pauline Gaston o Ponggay kung siya ay tawagin ng kanyang mga fans. 

Nagyakap naman kaagad sila ng mahigpit na mahigpit at talagang makikitang miss na miss na nila ang isa't-isa. 

Matatandaan na marami sa mga fans nina Deanna at Pauline ang nalungkot ng lumipat sa Chery Tiggo Crossovers si Pauline. 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano ka-solid ang pagsasamahan nila noong mga panahon na nasa Choco Mucho team pa si Pauline Gaston. Sa Ateneo palang ay magkasama na sila kaya naman ang interaction nilang ito ay nagviral at umani ng napakaraming positibong komento mula sa kani-kanilang mga tagahanga. 

Samantala isa sa mga fans naman ang di napigilang maging emosyonal, lalo na at makikita sa nasabing video na tila napakahigpit ay tila ayaw bumitaw sa pagkakayakap itong si Deanna Wong sa kanyang matalik na kaibigan. 

Mayroon din namang nagsasabi na bagay daw kay Pauline ang bagong jersey niya ngayon, ngunit iba parin talaga ang dating ng suot pa niya ang kulay ube na jersey ng Choco Mucho. Bagama't nagkahiwalay nga ang kanilang landas, iisa parin ang pinaka sigurado solid pa rin talaga ang kanilang pagkakaibigan.  

@mashhpotitooo 💙💙💙 #ladyeagles🦅 #deannawongst #ponggaygaston #julessamonte #fypシ #wongpong #cmft ♬ original sound - Fioonaa

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo