David Licauco Handa Ng Magpakasal!

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Jerome

 

Inamin ng actor na si David Licauco na limang taon mula ngayon daw ay nakikita niya ang sarili na may asawa at mga anak na daw siya. 


Pahayag ng actor na gusto niya daw magkaroon ng sariling pamilya na medyo bata pa daw siya para daw ma enjoy niya ito ng mahabang panahon.


Aniya, "I see my self probable getting married in 5 years that's why I'm working hard now for the future." 


Pahayag naman ng actor ng ma-interview siya ng entertainment media noong nagdaang February 17 sa press conference ng bago niyang endorsement.


Sabi niya ay single na single daw siya ngayon at naka focus muna daw siya sa kanyang showbiz career. 


Hinihintay lang daw ng actor ang pagdating ng babaing itinadhana para sa kanya. 


Dagdag pa ng actor ay ang gusto niya daw sa isang babae ay yong maganda, matalino, confident at 'yong alam kung ano ang gusto niya gawin. 


Sa tanong naman na kung paano siya nagcelebrate noong nagdaang araw ng mga puso, sagot niya, "I just had dinner with my friends."


Samantala todo sa pasasalamat naman ang actor sa mga sumusuporta sa Maria Clara at Ibarra na talaga naman daw pumatok sa mga manonood. 


Saad niya, "Nagulat ako sa success ng Maria Clara at Ibarra, at the start I was just a supporting character pero hanggang naging main character na siya." 


Samantala dahil nga sa tagumpay ng kanilang teleserye sa GMA at sa mainit na suporta ng mga manonood sa tambalan nila ni Barbie Forteza ay may hinanda ng bagong project ang Kapuso network para sa dalawa. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo