Cristy Fermin, Nag-Alsa Balutan Na Ang Condo Na Ibinigay Ni Willie Revillame!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Cristy Fermin sa isang episode ng Showbiz Now Na, na naghakot na umano siya ng kanyang mga gamit sa condo unit na ipinagkaloob sa kanya ng TV-host na si Willie Revillame. 

Ayon kay Cristy Fermin, dalawang araw na raw ang nakararaan nang magsimula siyang maghakot ng gamit sa condo unit na ito na kailanma'y hindi niya natirhan o natulugan manlang. 39th floor daw ito na para umano sa kanya, mas sana'y siya sa mababang tirahan lamang.

"At tulad po ng sinabi ko na ibabalik ko po 'yung unit na pinagtrabahuhan ko kay Willie Revillame. Dalawang araw na po ang nakararaan nakapaghakot na po kami. Ang nandun na lamang ay yung malalaking piraso na hindi kakasya sa sasakyan," pagbabahagi ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ni Cristy Fermin na hindi siya manunumbat na gaya ng ginagawa ni Willie kaya salamat na lamang.

"Pero hindi po 'yun ang terminong iiwan ko ngayon. Hindi po ako kasing tapang, kasing mapanumbat tulad ni Willie, Hindi po ganun. Ang gusto ko nalang sabihin, maraming salamat."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo