Labis na pagkadismaya ang naramdaman ng isang costumer ng hindi tanggapin ng isang Milk Tea shop ang ipinambayad niyang 1K Polymer bank note na nakatupi.
Ang Philippine P1000 polymer banknote ay bahagi ng seryeng “New Generation Currency” (NGC) na ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Disyembre 2021.
Isa ito sa pinakamataas na denominasyon sa serye ng NGC at nagtatampok ng iba't ibang elemento ng seguridad at disenyo na kaya isa itong unique at mahalagang piraso ng pera.
Gayunpaman, marami sa mga netizens na nakatanggap nito ay dismayado dahil may pagkakataon na hindi tinatanggap ng isang tindahan ang nakatuping bank note.
Isang Facebook user naman ang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya matapos tanggihan ng isang milk tea shop ang kanyang Polymer Bank note na nakatupi ng isang beses.
Ayon sa Facebook user ito ang unang pagkakataon na hindi tinanggap ng isang tindahan ang kanyang 1K bill dahil lang sa nakatupi ito.
Tanong pa niya, kung maari bang ireklamo ang mga tindahan na tumatangging tanggapin bilang pambayad ang nakatuping 1K bank note.
Agad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nagsasabing maari namang tupiin ang bagong 1000 peso bill.
Maging ang BSP ay nauna nang naglabas ng pahayag na maari paring tanggapin ng anumang establishments ang mga nakatuping bank notes polymer man o hindi.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!