Ben Tulfo Hinamon Ng Giyera Si Cristy Fermin at Ogie Diaz Ipinagtanggol Si Willie Revillame!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na nakapagtimpi pa ang host na si Ben Tulfo at ipinagtanggol na ang patuloy pa ring binabatikos na TV-host na si Willie Revillame.

Umaani ngayon ng samu't-saring pambabatikos si Willie Revillame lalong lalo na mula sa mga kolumnistang sina Cristy Fermin at Ogie Diaz matapos ang tila panunumbat ni Willie sa mga naibigay niya sa mga taong nabanggit.

Bagama't humingi na ng tawad si Willie Revillame kay Cristy Fermin, nilinaw naman niya na kay Cristy Fermin lamang siya magpapakumbaba at hindi sa iba pang personalities, na aniya'y pinagkakaisahan siya ngayon sa social media.

Hindi man pinangalanan ng TV-host kung sino ang kanyang tinutukoy malakas ang hinala ng lahat na ito'y walang iba kundi ang Showbiz reporter na si Ogie Diaz ang tinutukoy nito, dahil na rin sa mga pasaring at banat ni Ogie sa kanyang Twitter account.

Kaya naman tila hindi na nakapagtimpi si Ben Tulfo, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Willie at agad na naglabas ng kanyang saloobin sa mga taong patuloy paring bumabanat laban sa kanyang kaibigan.

"KAWAWANG SI WILLIE! 

Mga putres 'tong mga taong nagbubunyi at nasisiyahan sa pinagdadaanang hamon ng isang indibidwal - kilala o simpleng tao man. 

Nakakarelate ba kayo? Kayong mahihilig sa chismis at kabahagi ng buhay ay chismis sa buhay ng may buhay?

Nagkita kami ng kaibigan kong si Willie Revillame kahapon - chance encounter lang," pahayag ni Ben Tulfo sa kanyang Facebook page.


Sinundan pa niya ito ng isa pang post at patuloy na dinipensahan ang kaibigan.

"Humingi na nga ng dispensa, pinagtutulungan niyo pa din!

‘Pag ang tao nagpakumbaba at humingi ng kapatawaran sa kaniyang pagkakamali, ‘wag na natin palawakin pa. ‘Wag na hamunin ng giyera baka kasi may pumasok na totoong mandirigma na kaibigan ni Willie. Ito’y paalaala lang naman, mamili na lang kayo!"

Makikita naman sa ibinahagi larawan ni Ben na tila ba'y pinapapili niya ang mga marites kung gusto ba umano ng mga ito ng war or ceasefire?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo