Bayani Agbayani-Balik Abs-Cbn?

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Jerome

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbabalik ABS-CBN ni Bayani Agbayani. Bilang isa sa mga singvestigators ng bagong season ng mystery music game show ng bayan na I CAN SEE YOUR VOICE.


Ayon sa balita magsisimula ulit itong gameshow na ito ngayong March 2023 na at syempre si Pambansang host Luis Manzano ang maghohost nito. 


Marami naman sa mga Kapamilya fans ang natuwa sa pagbabalik ng game show na ito, subalit mayroon din namang mga fans na nagtaasan ng kilay.


At tila ba nadismaya na bakit daw kasama pa si Bayani Agbayani na alam naman daw ng karamihan na nagkaroon daw sila ni Showtime host Vice Ganda. 


Dahil daw sa mga pasaring o mga patutsada ni Bayani Agbayani na kahit daw kailan ay hindi daw sila nag-oovertime, at idinaan pa daw sa isang panalangin ang kanyang pa rinig kay Vice Ganda na wag daw itong maging hambog. 


Marami nga ang nag komento tungkol dito saad ng ibang mga netizens, "Wala na boycott na, andyan si Bayani, gusto ko pa naman yang show na yan dati."


"Bakit ibinalik si Bayani ay hindi kami niyan manonood, Bawal." 


Ilan lang ito sa mga naging reaction ng mga netizens. 



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo