Bakit Nag Trending Si Marian Rivera Dahil Kay Lai Austria?

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Jerome


 Biglang nag trending ang pangalan ng Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa mga netizen na paulit-ulit na binabanggit ang kanyang pangalan kaugnay sa kanyang asawa na si Dingdong. 

Nag-ugat ito dahil mismo sa isang post ng model endorser na si Lai Austria. Sa nasabing post kasi ay ibinahagi ni Lai ang isang larawan na kung saan ay kasama niya si Dingdong, na siyang host ng magguest siya sa show nitong Family Feud. 

Kung titingnan ang larawan ay wala naman makikitang masama dahil tila nagpafan girl lamang si Lai basi narin sa reaction ng mukha nito na tila pinipigilan ang kilig. 

Kung ang larawan lang naman daw ang pagbabasehan ay pwede na palampasin nalang daw ito ng mga fans nila Marian, dahil normal lang naman daw ang ginawa ni Lai na pagfafangirl eh kaso, ang nangyari ay parang sumubra na siya sa pagiging fan dahil sa nilagyan niya ito ng caption na "wait niyo ang scandal namin"

Kaya dito nga ay pinaulanan siya ng pambabatikos ng mga fans nila Marian at Dingdong. Hindi pa nakuntento dito si Lai at sa comment section ng kanyang post ay lakas loob pa niyang tinag si Marian na kung saan ay sinabi niyang nananawagan daw siya kay Marian na hihiramin daw muna niya ang asawa nito na si Dingdong. 

Dagdag pa umano ni Lai na wala daw dapat na ipag-alala si Marian dahil wala naman daw siyang panama kay Marian dahil natural ang ganda nito di tulad niya na retokada na. 

Subalit hindi pa tumigil sa bugso ng kanyang nararamdaman si Lai dahil tinugunan pa niya ang komento ng isang netizen na ang sabi ay dumikit daw ang kanyang hinaharap sa actor host na si Dingdong, at pabiro niya itong sinabi na talagang sinadya niya daw itong idikit sa actor host. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo