Babawiin Na Ang Premyo Sa Couple Na Nandaya Sa Pinoy Henyo Eat Bulaga!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Naglikha ng ingay online ang panawagan ng ilang mga netizens sa pamunuan ng noontime show na Eat Bulaga na bawiin ang premyo sa couple na nanalo sa Pinoy Henyo.

Viral ngayon sa social media ang video ng nasabing couple na halata umanong nandaya para manalo ng malaking halaga. Sa video, kitang-kita ang pandaraya ng babae. Una pa lamang ay talaga naisipan na itong mandaya dahil panay ang sulyap nito sa mga hosts ng show na tila ba ay nag-aabang na makakuha ng tyempo. Kapansin-pansin din na nahirapan ang kanyang partner sa paghula ng tamang sagot.

Kaya naman ng makakita ng pagkakataon sinabi ng babae ang tamang sagot nang walang tunog. Subalit, hindi kaagad ito nakuha ng kanyang partner kaya inulit niya ito at mas nilakihan pa ang bibig.

Agad namang nakuha ng lalaki ang tamang sagot at sila ang dineklarang panalo. Gayunpaman, hindi nanahimik ang ilang mga netizens at kaagad na tinawag ang pansin ng pamunuan ng nasabing show at sinabing dapat lamang na bawiin ang natanggap na premyo ng dalawa dahil mandaraya umano ang mga ito.

Maging ang isang host ng Eat Bulaga na si Jose Manalo ay tila nagparinig na sa nasabing couple.

Ayon kay Jose, hindi nila tatantanan ang mga mandaraya. Panawagan naman ni Joey sa lahat  ng sasali sa kanilang palaro na huwag mandaya at dapat maging fair sa lahat.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Eat Bulaga sa aksyon na kanilang gagawin hinggil sa pandaraya umano ng couple para manalo ng malaking halaga sa Pinoy Henyo segment ng Eat Bulaga.


@eyronman26 Stomach na lang nandaya pa yata 🥺 #eatbulaga #pinoyhenyo #fy #fyp #xyzbca ♬ original sound - A.p. Benoza - Ey

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo