Vice Ganda Inamin Ang Pagkatalo!?

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Jerome


Aminado ang host na si Vice Ganda na hindi madali ang pagsasama nila ng jowa nitong si Ion Perez.

Sa kanyang interview sa Isko Very Night Youtube channel ni former manila mayor Isko Moreno ay aminado si Vice na nag-aaway din sila ni Ion. Tinanong pa ni Isko si Vice kung kumusta sila sagot naman ni Vice Ganda kay Isko, "Ok naman kami mayasang-masaya kami."

"Masaya kami mapayapa pero although hindi nman siya perfect marami kaming pinagdadaanan nagtatalo rin kami ang pina ka swerte ko never pa kaming nag away yung malala talaga," ayon kay  Vice Ganda

Ayon pa sa TV host na magkaiba ang pag deal ng pag-aaway ng lalaki at babae or for that matter na isang lalaki sa karelasyon niyang bakla.

"Di ba kayong mga lalaki hindi kayo nag e-engage sa problema as much as possible pupunta kayo sa Gym o mag babasketball kayo hindi kayo nakikipag-usap. Eh, ang mga girls tiyaka mga bakla pag may problema gusto pinag-uusapan," paliwanag niya.

Sa kaso naman nila ni Ion ang feeling niya ay talo siya dahil habang salita siya ng salita ay hindi naman umiimik ang kanyang jowa. "Talong-talo ka talak ka ng talak siya hindi sumasagot mas lalong nakakapikon yun, so talo ka dun so antayan mo yong time na ok na siya so pwede niyo ng pag-usapan sa ngayon hindi na pinag-uusapan ok na yun mainit kalang kanina mainit din ako," sabi ni Vice Ganda.

 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo