Trina Candaza, Isiniwalat na Ang DAHILAN Kaya Hindi NahiHIRAM ni Carlo Aquino si Mithi!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Sa unang pagkakataon, hindi na nanahimik ang aktres na si Trina Candaza at nagpaunlak na ng isang panayam. Sinagot ni Trina ang naging pahayag ni Carlo Aquino hinggil sa pagiging co-parent nila ni Carlo Aquino sa kanilang anak na si Mithi.

Matatandaang naghimutok noon si Carlo Aquino dahil hindi umano sumasagot si Trina sa tuwing nais niyang hiramin si Mithi. Hindi umano ito makatarungan sa kanya dahil nagpo-provide naman umano siya sa mag-ina.

"That's not true Mama Ogs. I also pay half of our expenses. So para sa'kin, dalawa kaming nagpo-provide. Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo 'yun pero para sabihing binubuhay din niya ako parang... dalawa kami, nakaka-offend sa part ko 'yun Mama Ogs Kasi nagtatrabaho din ako," pagpapahayag ni Trina.

Hindi din napigil ni Trina ang kanyang hinaing at realization sa kanyang buhay.

"Kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single moms nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin, kapag may sakit 'yung bata, kami. Pero once na may mali kaming nagawa, masamang ina na kami."

"Kay Carlo kasi 'yung sustento niya, he can earn it in a day. Pero ako, 'yung pino-provide ko na half ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month... Ang convenient pala maging lalake," dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Trina na hindi niya ipinagdadamot si Mithi kay Carlo.

"Hindi ko pinagdadamot ang anak ko, It's just that, hindi siya pumupunta."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo