Trina Candaza, Isiniwalat Na ang Dahilan Kaya Nanahimik Siya Matapos ang HIWALAYAN nila ni Carlo Aquino!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Muling nanahimik ang aktres na Trina Candaza nang maitanong muli sa kanya sa isang panayam, kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng aktor na si Carlo Aquino.

Isa sa mga dahilan ng pananahimik ni Trina ay ang katotohanang maari itong makita ng kanilang anak ni Carlo na si Mithi. Bukod doon, alam naman umano ni Trina na hindi na niya kailangan pang magsalita dahil alam niyang may alam na ang lahat sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

"It's a vary easy question Mama Ogs pero knowing na pwede 'tong mapanood ni Mithi, I'd rather not to answer the question na lang... But I think, everybody knows it," pahayag ni Trina.

Ibinunyag din ni Trina na may hindi na sila pagkakaunawaan ni Carlo, noon pa mang kapapanganak pa lamang niya kay Mithi.

Gayunpaman, wala naman siyang masasabi sa pagiging hands on ni Carlo Aquino bilang ama ni Mithi noong nagsasama pa sila.

"Kapag nasa bahay naman kami. Sobrang hands on naman niya... Talagang pinapalitan niya ng diaper si Mithi, pinapaliguan niya nialalaro niya, tinitimplahan niya ng gatas," pagkukwento ni Trina.

Samantala, naooffend naman si Trina sa naging pahayag ni Carlo hinggil sa pagsusustento nito at pagpoprovide sa kanilang mag-iina.

"I feel offended... Kasi I work hard din to provide... Ako yung nag-aalaga, ako yung nandiyan ako yung napupuyat. ako yung nagha-handle ng tantrums ako yung nagdidisiplina sa anak ko... Kailangan ko rin mag-provide." 

"Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo yun pero para sabihing binubuhay din niya ako parang... dalawa kami. Nakaka-offend sa part ko yun Mama Ogs Kasi nagtatrabaho din ako." 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo