Toni Gonzaga, Nahihirapang Kumuha ng Guest Sa kanyang Program sa ALLTV?

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan sa social media ang mga bali-balitang nahihirapan na umanong humanap ng magiging guests si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa kaniyang self-titled talk show sa ALLTV (AMBS 2).

Naniniwala ang veteran showbiz Columnist na si Cristy Fermin na kahit malakas sa social media ang “Toni Talks,” ibang usapin naman umano sa kaniyang “Toni” na talk show sa bagong bukas na network ng mga Villar.

Malaki ang paniniwala ni Manay Cristy Fermin, na may kinalaman pa rin ito sa usaping politikal noong nagdaang halalan. Hirap na hirap daw si Toni na mag-imbita dahil “nakalaban” niya sa kampanya noon ang mga celebrities na nais sana niyang ma-interview.

Ibinahagi rin ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin na napaka-wrong timing ng ALLTV sa pakikipagsabayan sa mga kakompetensiyang TV networks sa bansa. Gayung kakasimula pa lamang nito. Tila nakadagdag pa sa kanilang pagbaba ay ang kakulangan ng mga artista.

Maging si Willie Revillame ay tila hindi na napag-uusapan matapos nitong ilipat ang “Wowowin” sa estasyon ng kaibigang si dating Senador Manny Villar.

Parang ang hirap daw i-angat pataas ang network dahil aminado naman daw ang mga Villar na nagsisimula pa lamang sila from scratch at kulang na kulang sa ilang magagaling na talents.

Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Toni Gonzaga o ang ALLTV hinggil sa mga usaping ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo