Sharon Cuneta Nagsalita Na Matapos Lumabas Ang Balita Tungkol Sa New Boyfriend Ni Kc Concepcion

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Jerome


Proud si Sharon Cuneta na naituro niya sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion na huwag umasa sa isang lalaki para mabuhay. Subalit, hangad pa rin ng Mega Star na makatagpo ang anak ng lalaking mamahalin.

Kamakailan ay ibinalitang may idini-date umano ngayon itong si KC na isang Swiss-Filipino guy na si Steve Michael Wuethrich.

Naging guest naman si Sharon sa episode ng Magandang Buhay nitong January 26, 2023, kung saan ikinuwento dito ni Sharon Cuneta ang tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga anak. Bukod kay KC ibinahagi din ni Sharon ang tungkol sa relasyon niya sa sa mga anak niya kay Kiko Pangilinan.

Ang sabi naman ni Sharon ukol kay KC ay, "Si KC malaki na siya so may sariling buhay." 

Binalikan naman ni Sharon ang kanyang pagiging single parent kay KC na mag-isa niyang itinaguyod.

"Noong maliit pa si KC, perfect talaga. Perfect child na parang walang kasamang bata t'yaka gusto ko lng maalala niya lahat, lahat, lahat ng sacrifices ko din, kasi she grow up nga, I had to work. Kasi ayaw kung maging sampid sa parents ko at ayaw kong maging example sa kanya na aasa ka. That's why she knows how to work, she's a hard worker, and I'm proud of that. Marunong sa buhay, so yun ang naipamana ko, na you don't need a man in order to survive." 

Pero hangad pa rin ni Sharon na sana makahanap si KC ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo.

"Pero I'm still praying, siyempre, I want her to find true love," pahayag ni Sharon.

Sinabi rin ni Sharon sa interview na magkaibang-magkaiba sila ng anak niyang si KC at aminado naman siya na mas maraming pagkakatulad si KC sa ama nitong si Gabi Concepcion.

Sabi ng Mega Star,"Kasi nung lumalaki na siya,nakikita ko...diba, dalawa kasi ang parents diba? Merong anak na katulad na katulad mo, meron namang hindi, kami kung tutuusin, para kaming polar opposites, yung magkaibang-magkaiba kami. Pero na bubuo kami ng love namin for each other. And there are a lot of things na she and her papa are very much alike. Pero anak ko to, e. Anak ko si KC. Bali-baligtarin mo man ang mundo isa lang ang nanay mo, at siya lang ang panganay ko. Siya ang unang-unang nag paramdam sa akin ng pagiging ina. So kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin ko siya, mahal na mahal ko si KC." 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo