Pagpapahid ng Cake Icing Isang Biro noon, Ginawang Malaking Isyu Ngayon!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin talaga natatapos ang cake issue ni Alex Gonzaga na nagsimula noong birthday celebration nito.

Sa latest Instagram post ni Manay Lolit Solis, ipinahayag niya na tila ba ay naging super sensitive na umano ng karamihan dahil sa pagpapalaki ng mga maliliit na biro kagaya na lamang ng pamamahid ng cake icing sa tuwing may kaarawan.

“Nakakatawa talaga ang mga nangyayari sa paligid, Salve. Sobra ng sensitive at negative ang marami kaya hindi mo na alam kung ano ba ang dapat mo ikilos o sabihin,” pahayag ni Lolit Solis.

Ipinahayag pa ni Manay Lolit Solis na kahit anuman ang gagawin mo kapag ayaw sa iyo ng tao ay talagang may ipipintas o paninira silang sasabihin. Kagaya na lamang umano ng pamamahid ng cake na isa lang naman umanong biro pero ginagawa na ngayong malaking isyu.

“Iyon pagpahid ng cake bilang biro dati ng ginagawa pero ngayon isa ng big issue. Kaya nga hindi mo narin alam kung pati ba humor ng tao nawala na,” saad pa ng kolumnista.

Sa ngayon ay mahirap na umanong malaman kung ano nga ba ang totoo at ano naman ang biro. Binalikan pa nga ni Manay Lolit Solis ang naging pahayag noon ni Benjie Paras na ginagawa na umanong malaking isyu ngayon ang mga dati ay biro lamang.

“Like nga ng pagpapahid ng icing ng cake, eh madalas biruan pa nga buong cake ang inilalagay sa mukha. Naku ha, dahil diyan marami na buy ng cake, libre publicity na sila. Hilig pa naman nila Salve at Gorgy ang cake. Kaya nga kahit ipahid sa face nila ok lang, basta masarap ang cake hah hah bongga,” dagdag pa nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo