Mccoy De Leon Humingi Ng Tawad Kay Elisse Joson Para Magka-Balikan Na Sila!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Mahirap magdesisyon sa isang relasyon kung hindi lamang ang sariling nararamdaman ang kailangang isaalang-alang.

Hanggang ngayon, marami parin sa mga tagahanga nina McCoy De Leon at Elisse Joson na maari pa rin nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila lalo na't may anak silang nangangailangan ng isang buo at masayang pamilya.

Naging mainit ang pagsalubong ng bagong taon, nang aminin mismo ng aktor na si Mccoy De Leon ang hiwalayan nila ng partner na si Elisse Joson.

Bagama't nilinaw niyang walang third party na sangkot ay hindi parin maiwasang batikusin si Mccoy lalo na't may naglabasang larawan kung saan kasama niya ang isang social media personality na si Mary Joy Santiago.

Marami ang nadismaya kay Mccoy kung paano niya itong nagawa kay Elisse gayung may anak na sila. Samantala, marami naman ang nasiyahan sa lumalabas ngayong bali-balitang tila sinusuyo na ni Mccoy si Elisse Joson.

Humihingi na umano ito ng tawad ang aktor at isa pang pagkakataon para maging maayos ang kanilang samahan. Tila hindi kinaya ni Mccoy ang tuluyang mawala'y sa kanyang mag-ina.

Sa ngayon, ay muling gumagawa ng paraan si Mccoy upang muling mapalapit kay Elisse at muli siyang patawarin nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo