Kampo Ni Alex Gonzaga Nagsalita Na Sa Pambabastos Sa Waiter Isyu!

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Binasag na ng kampo ni Alex Gonzaga an isyu patungkol sa pambabastos nito sa waiter na nagsilbi sa kanila sa kanyang birthday party.

Matatandaang, naging malaking isyu ang uploaded video mula sa party ng host-vlogger matapos mapansin ng ilang mga netizens ang pambabastos ni Alex sa nagsilbing waiter para sa kanila.

Bigla na lamang pinahiran ni Alex ng icing mula sa kanyang birthday cake ang waiter na ikinadismaya ng maraming netizen. Maging ang ilang mga sikat na influencers at sikat na social media personalities ay nagpahayag din ng mga negatibong komento tungkol sa ginawa ni Alex.

Samantala, nilinaw na ng kampo nina Alex Gonzaga ang totoong nangyari at kung ano ang dahilan kaya nagawa iyon ng aktres.

Sa isang mensahe mula sa spoke person ng mga Gonzaga isiniwalat nitong matagal ng kaibigan ni Mommy Pinty ang waiter na nagngangalang Allan. Palagi na umano itong binibiro ni Mommy Pinty at ang catering services nito ang palaging kinukuha ng mga Gonzaga sa tuwing may okasyon.

Narito ang buong mensahe,

"Hi and good day, Sir Michael of Fashion Pulis. This is Peter Ledesma, entertainment columnist and vlogger and longtime publicist friend of [the] Gonzaga family. Favor, may I clear the issue regarding Alex Gonzaga['s] viral birthday video and the waiter, Allan. This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages.

"At itong si Allan ay laging kabiruan [ni] Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila. Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake kung [hindi] sila magkakilala ng said waiter na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex.

"This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers. Thank you, Fashion Pulis and good day again."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo