Francine Diaz Diaz Nakatanggap Ng Papuri

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Sparkle

 


Sa wakas, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz. Ito ay ang makasama si John Arcilla sa isang proyekto.

Magkasama ngayon sina John at Francine sa pinag-uusapang serye ng ABS-CBN na Dirty Linen na gumaganap na mag-ama sa kuwento. Ayon sa award-winning actor na si John Arcilla, masaya siya na nakatrabaho niya si Francine sa Dirty Linen dahil alam niyang napakagaling din nitong aktres base sa mga teleseryeng napanood niya.

“I am so happy kasi isa ka sa mga batang artista ngayon na gustong-gusto kong makasama. Yes, I’m so happy and I’m so excited na naging anak kita rito.”, sabi ni John kay Francine nang mag-guest sila sa Star Magic.

Ayon kay Francine, matagal na niyang gustong makasama ang beteranong aktor na nakatanggap ng mga parangal at acting awards mula sa iba't ibang local at international award giving bodies sa mahabang panahon. 

“Actually, dad John Arcilla, favorite ko po talaga ang Heneral Luna. Ever since po ay gusto ko na po kayong maka-work at ito na po yun”, saad ni Francine.

Samu't saring papuri ang inulan sa serye lalo na ang mga makapigil-hiningang eksena, musical scoring at mahuhusay na performances nina Janine, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, John Arcilla, Janice de Belen, Epy Quizon at Tessie Tomas.

Trending sa twitter Philippines ang Dirty Linen. Inaabangan ng mga netizens ang susunod na matinding paghaharap.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo