Dani Barretto Unang Nag Upload Ng Viral Video Ni Alex Sa Waiter! Bakit niya Inupload?

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Nadadawit ngayon ang pangalan ni Dani Barretto sa isyung kinakasangkutan ni Alex Gonzaga. Matapos mapag-alaman na ang viral video na ngayon ni Alex ay unang ibinahagi ni Dani Barretto sa kanyang Instagram stories.

Matapos maging viral ang video ng biglaang pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa mukha ng isang server sa kaniyang kaarawan, naging usap-usapan ng ilang mga netizen ang isa sa mga unang nagbahagi nito sa social media na si Dani Barretto.

Tinatanong ngayon ng mga netizen kung ano ang naging intensiyon ni Dani Barretto kung bakit ibinahagi pa nito sa IG story ang naturang video. Itinuturo pang si Dani ang dahilan kaya pinagpiyestahan tuloy ng mga bashers ang actress, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga.

May mga nagkomento pa sa mismong Instagram post ni Dani at tila sinisisi ito kung bakit nakatanggap ngayon ng pambabatikos si Alex Gonzaga.

“Lagot ka kay Alex at sa mami pinty nya trending ang lola mo sa Lahat ng social media…. now you know lol” komento ng netizen.

May mga naghinala pang sinadya ni Dani ang pag-uupload dahil alam niyang magdudulot ito backlash kay Alex Gonzaga.

“Feeling ba ni Dani walang mali sa ginawa ni Catherine kaya pinost nya yung vid, or baka deep inside gusto nya rin ilaglag ang ‘friend’ nya? Charot.”

Sa ngayon ay wala pang tugon o pahayag si Dani tungkol dito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo