Dahilan Kung Bakit Mahigpit si Coco Martin Sa Kanyang Private Life!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Sa kabila ng kanyang pagsisikap na iwasan, ng aktor na si Coco Martin ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay. Partikular na tungkol sa ugnayan nila ng  aktres na si Julia Montes.

Sa naganap na press conference ng RiteMed noong Lunes, ipinahayag ni Martin ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta sa kanila ni Julia Montes, sa kabila ng katotohanang hindi na sila nagsasama sa iisang proyekto.

"Thank you. Siyempre mahaba ang pinagdaanan namin ni Julia. Marami kaming magagandang proyektong ginawa at natutuwa ako na hanggang ngayon, nandiyan pa rin ang mga taong nagmamahal pa rin sa atin," pahayag ni Coco Martin.

Naitanong din sa aktor kung ipapaalam ba niya sa publiko ang kanyang pagpapakasal pagdating ng araw. Isang madiing hindi ang sagot nito na sinundan ng isang pagtawa.

Naniniwala kasi si Coco Martin na napakahalaga, na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay, dahil isa ito sa pinakamahalagang bagay para sa kanya, kasama ng peace of mind.

"'Yun ang pinakamahirap makuha lalo na ngayon, lahat tayo may social media. 'Yun na 'yung reward ko sa sarili ko, sa family ko. Napapanatili kong protektado sila," pag-amin ng aktor.

"Sabi ko nga kanina, hindi ako perpektong tao. Ang sakit kapag may naririnig kang hindi maganda sa 'yo. Mas masakit kapag may naririnig kang hindi maganda sa pamilya mo. Hangga't maaari, bakit ko hahayaan na masaktan ako or pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang. Hindi naman magiging kabawasan yun eh," dagdag pa nito.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo