Antonette Gail, Emosyunal Sa Pagbabati Ng Ina Na Si Mommy Dolly!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Labis na naging emosyonal si Antonette Gail nang sa wakas ay nagkaayos na sila ng kanyang ina at nagdesisyon na kalimutan na lamang ang nakaraan.

Sa isang video na kamakailan lang ay in-upload ng social media influencer, makikita ang kanyang pag-iyak nang husto habang ibinunyag niya sa kanyang mga followers na in good terms na siya ngayon kay Mommy Dolly. Sinabi ni Antonette na nang maipanganak niya sa ospital ang kanyang anak na si Baby Adriel Meteor, ina-assist sila ni Mommy Dolly sa lahat.

“Noong nasa ospital ako nandoon siya tapos inaayos niya yung mga… Naiyak na din siya eh,” paglalahad ni Antonette.

“Siyempre kahit madami kaming problemang pinagdaanan dati, alam nyo naman na yun eh, andami ngang nagbabash sa kanya eh, kahit nga nagva-vlog 'to ang mga comment nyong ganun tinatanggap niya,” dagdag pa ni Antonette.

Inalala rin ng social media influencer ang oras na pumunta ang kanyang ina sa "Raffy Tulfo In Action".Nilinaw rin niya ang isang bagay at itinama ng kanyang Mommy Dolly, na sinabing si "Tulfo" ang nagreach out sa kanya.

“Siyempre nararamdaman ko bumabawi sa amin si Mommy kahit nagpa-Tulfo pa siya,” pagbabalik tanaw ni Antonette.

“Hoy hindi ako nagpa-Tulfo, si Tulfo talaga ang tumawag sa akin,” paglilinaw ni Mommy Dolly.

Gayunpaman, naiintindihan na umano ngayon ni Antonette ang ginawa ni Mommy Dolly dahil ito talaga ang gagawin ng isang ina.

“Pero naintindihan ko naman si Mommy sa part na yun dahil as anak niya, ayaw niya akong mapahamak. Tapos nagpaano kasi siya sa mga ibang tao, nagpahatak siya, nagpadala siya,” saad ni Antonette.

Narito ang buong video ni Antonette Gail at Mommy Dolly.

https://www.facebook.com/watch?v=1339537433563879

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo